Saturday, November 04, 2006
Happy Anniversary

October 15, 2005

- Our first time to go out together, we had dinner, shared some stories, I wanted to savor that moment but I was thinking that, that day might be the last day that we can be together. When we were near their house after a very hard u-turn, I was supposed to give her a spongebob doll. But since I was so torpe, I just gave her a note... The next day, she texted me and told me that she's like a bubble fish because she wasn't able to sleep last night, she just kept on crying because she was so afraid of the ghost that we saw inside UP campus.

The truth is, she was crying all night because she already found this blog! I cannot exactly explain her feelings, don't know the exact reason/s why she cried but, mixed emotions I guess... The first time I went to their house, I saw the note that I gave her posted at her cork board in her room. hihi...

October 21, 2005

-We were planning to attend a party at our friend's house somewhere in Marikina. I told her that I am not going to attend the party but I am already at our meeting place at about two in the afternoon (Hindi naman ako masyadong excited, just making sure na hindi ako malelate, coding kasi nun...) When she arrived, I tried to ignore her and pretend that I was not moved by her presence... But I kept on looking  at her when she's busy. On our friend's place, after the dinner we had some drinking spree and abused the magic sing...

Discoveries: Malakas siyang uminom!!! Lasing na kami, buhay na buhay pa siya! AT! Alam na pala niyang mahal ko na siya... Tsk! Tsk! Tsk! Kaya pala kakaiba siyang kumilos that night...

October 22, 2005

-I received a message from her asking if she left her purse in the car... I checked the car and I did not see her spongebob square pants purse... Guess where I found it!!! Tsk tsk tsk!!! I found it in the bilao... (The other night she was so makulit and put foods in the bilao, took all the alcoholic drinks and put them inside the car. Ayos!)

If I know... Sinadya mo talagang iwan yung purse mo sa sasakyang dala ko para magkita pa tayo! Woooo... Joke!

She told me that she can't go home because her money is in the purse... truth is... Pwede naman siyang mag withdraw sa atm... Haha! Award!

I have no other choice but to bring her purse to her place and then I accompanied her to Makati where her family is waiting for her in a hotel... (Di ka ma-reach beh!!! New Word Hotel ba yun?)

October 30, 2006

I went to Pampanga with some friends to attend the fiesta (Tinigtigan ba yun?) Tessa and I went to Clark to buy some stuff. All day long, I did not receive any message from her, What was so surprising is that, every time I think about her(na tipong nakakunot na ang noo ko sa pag-iisip) that's the time that my cell phone will vibrate and receive her message. I told her, "may pasalubong ako sa iyo..." And that's it! We were texting 'til dawn... The whole day, everyday... =) 

November 1, 2005

They don't celebrate All Saints Day, for them November 1st is just an ordinary day. But not for us anymore, because that day, we finally exchanged I love you's and admitted to ourselves that we both love each other. That day, for me is not the start of our relationship and unending adventures. For me, everything has changed since I looked back and saw her smiling. I never thought that I can make her love me, I never thought that I can make her fall for me... I cannot explain the feeling, the magic I felt when I looked back and found her. At that moment, I knew that she's the one for me...

We did not plan that on November 1, we will be together, everything just happened so spontaneous... Looking back on our first months, just like every other relationships, we also had some fights that tested us. We heard some not so good comments from people around us. We sometimes thought of giving up... But the countless happy moments that we shared together tightened our bond. Life is so easy with her... Share a simple life, understand each other... She's so good that I couldn't ask anything more. She's the kind of person that every person would pray to God to have... I know I am so lucky. I know I am so blessed to have someone like her. She's my life and I know that I would do everything I can to keep us...

HAPPY FIRST ANNIVERSARY BEE!!! I LOVE YOU...

 


Posted at 12:53 pm by 4sumrisons
Make a comment  

Thursday, October 27, 2005
undecided

Ilang araw na akong tulala at nag-iisip... Pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko may nag-iba. Hindi ko maintindihan kung ako lang ang nag-iisip nito. Ako lang ba ay napapraning? Nasimulan ko nanaman magsungit. Nang-aaway nanaman ako. Sa mga pagkakataong naiisip ko siya at napapatingin ako sa cellphone ko na walang message galing sa kanya, naiinis ako. Nagsusungit ako. Hindi ko alam kung dahil ba, wala kasi akong text galing sa kanya o inis ko na ito sa sarili ko dahil ang simple-simpleng gawin, hindi ko siya matext. MInsan, naiisip ko, magchat na lang kaya ako at maghanap ng katext para may pampalipas oras, pero ayoko namang gawin. Ewan ko ba, wala naman akong pinanghahawakan pero bakit ba nagpapaka-faithful ako?

Noong isang araw, sabi ko sa kaibigan ko, na parang ayoko na. Parang gusto ko ng itigil itong kabaliwan na ito. Ayan nanaman ako, magaling magsabi ng parang ayoko na, pero 'pag nariyan na hindi ko naman kaya. Syempre tinanong nila ako kung bakit parang ayoko na. May mga nasabi akong ilang mga bagay, pero ang puno ng dahilan ay, nabobore ako.

Boring... Ang bagal ng progress at ni hindi ko nga alam kung may dapat pa bang i-asenso ito. Ang bagal... Hindi ko alam kung ako ang dapat sisihin kung bakit mabagal, dahil nga ba mabagal ako? E kaya lang naman ako bumabagal ay dahil hindi ko alam kung kaibigan lang ba talaga tingin niya sa akin eh! Minsan kapag maganda na ang takbo ng usapan, nadadala ko na sa gusto kong pagdalhan ng usapan, kakambyo naman siya. Sasabihin niya di siya patola. Para bang nanddon ka na sa puntong kinikilig ka na, pero kakambyo siya at sasakit lang ang puson mo sa sobrang kabitinan. Hehe! Pag sinasabi ko naman sa mga kaibigan ko na ganito, ganiyan, sasabihin naman nila, "ganyan lang talaga siya sa mga kaibigan." Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Nakakainis na.  

Minsan, naiisip ko, kung sabihin ko kaya ano kayang magiging reaksiyon niya???

a.) matutulala?
b.) sasampalin ako?
c.) iiwasan niya ako??
d.) pagtatawanan niya ako???
e.) sasabihin niya, "matagal ko ng alam, babagal bagal ka!"
f.) tatanungin niya ako, "sinong nanay mo???!!!"
g.) all of the above!

Natapos na ang sem, naging malapit na kami, pero wala pa ring nangyayari. Paano ko sasabihin kung wala naman akong clue. Iri-risk ko ba ang friendship namin dahil sa kapusukan? Kung dumating man yung point na nasabi ko na sa kanya at iniwasan niya ako, siguro mas makabubuti pang 'wag na lang kami magkita habang buhay pagkatapos nun.

Minsan naiisip ko, mabuti pa yung mga nakakachat ko. Pag log-off ko sa internet, text na kami fatale at walang tigil. Matapos ang ilang araw, magkikita na, pag click, wala pang isang linggo kayo na. Ganun kadali. Bakit ba ako nagttiyaga sa kanya na ilang buwan na ang lumipas, hindi pa rin ako sigurado kung patola o hindi? Kung gusto ba ako o hindi? Minsan, gusto ko na siyang paalalahanan na, "TOMBOY AKO, ANO BA????!!!"

Alam ko namang alam na niyang ako eh! AKo yung may pakana ng mga sulat na iyon. Hindi naman siya tanga por diyos por santo! Pero bakit nung isang araw ng sumagot ako ng medyo maayos dun sa text niyang medyo pormal ay kumambyo nanaman siya. Parang hindi niya alam na siya yung pinoproblema ko. Letse! Bakit kaya, hindi na lang niya sabihin sa akin na alam na niya? Bakit kaya hindi na lang niya sabihin sa akin na "alam ko na, sorry, pero ayoko sa iyo." o kaya, "alam ko ng ikaw, sorry pero hindi talaga ako patola." Para masimulan ko ng dumistansya. Para makalipat na ako ng school kung saka-sakali at tuluyan ko na siyang alisin sa buhay ko!

Sige, ipagpatuloy mo ang di na pagtetext sa akin. Para isipin ko na ayaw mo talaga sa akin, para kakalimutan na lang talaga kita. Next sem, hindi na ako mag-eenrol sa section kung san ka nandoon para hindi na tayo magkikita o kaya sasama na lang ako doon sa mga lilipat ng school. Pabor sa akin yun, hindi ako mapapahiya kung saka-sakali. 

Ha! Ang lakas ng loob kong isulat itong mga ito. ANg lakas ng loob kong sabihin na aalisin ko na siya sa buhay ko, eh parang kaya ko???!!! EH isang text pa nga lang niya, tumitiklop na ako eh. Pakshet!


Posted at 09:23 pm by 4sumrisons
Make a comment  

Sunday, October 23, 2005
kainis!

Halos buong araw kang hindi nagtext. Nagwoworry na ako, nagtataka na ako kung bakit. Hindi naman ako pwedeng magtext sa iyo ng "bakit di ka nagtetext, ok ka lang ba?" Damn! Sabi ko uumpisahan ko ng dumistansiya sa iyo, pero bakit ganun, wala pang isang araw na hindi ka nagparamdam, hindi na ako mapakali? Kung anu-ano na ang mga naiisip ko. Nakakainis na!

'Pag magkasama tayo, pakiramdam ko, kayang-kaya kong kalimutan ka, pero 'pag wala ka, namimiss naman kita at parang hindi ko kekerehin na i let go itong jaskeng nararamdaman ko. Hindi ko tuloy masabi ngayon kung ayko na nga ba o tuloy pa rin? Nahulog nga yata ako sa sarili kong patibong!

Posted at 07:36 pm by 4sumrisons
Make a comment  

Friday, October 21, 2005
praning nanaman ako!

 

This is the longest time since June that I didn’t see you. It has been a week and we last saw each other last Saturday. We were together for some hours; we drove around the metro while listening to the radio. I told my friends not to come with us on that day, I told them, “huli na ‘to, balato niyo na sa akin yung araw na ‘yun…” I’ve waited for that day. That day was supposed to be a special day, that day was supposed to be a happy day but it didn’t turn out that way.

 

I’ve been thinking about telling you things that I must confess. But the voices inside my head were telling me different things. Should I tell her or just stay this way to save the friendship, anyway we will still be classmates come next semester? I opted to save the friendship, but deep within me is an angry voice shouting at me and telling me how stupid I am. I refused to listen to the angry voice and tried to regain my composure. Try to act as if I am unaffected by the thoughts of goodbye.

 

I wished that I can still hold your hand while driving, but damn EDSA, it gave me no other choice but to put both of my hands at the stirring wheel. When we were inside the mall and the moment you held my arm, I wished that I could also do that and take your hand; hold it while we’re walking for just a few minutes. When we were eating I imagined myself holding your hands, but I refused to do so because I am afraid that you might think that I am taking advantage of the situation. I wanted to do so many things, but I refused to take some actions because a voice inside my head was shouting at me, telling me that I AM JUST YOUR FRIEND.

 

I told you that I will give you something. But instead, I just gave you a paper, written there was the word “something.” You did not know that I bought a spongebob doll, but I did not give it to you, nahiya nanaman ako… And now, I have no intentions of giving that doll to you anymore. It will just stay inside my drawer, and wait for the day when I will turn them into ash.

 

Last Wednesday, while sitting alone at the corridor and downloading some ringtones, I saw the song of Soapdish, Ewan Ko. You used to sing that song while we were waiting for a pregnant woman to come. I downloaded that ringtone and listened to it. I remembered some happy moments while we were still inside the Lying-in Center at Mandaluyong. I smiled and then after a while, that song made me sad. I thought of things which are nearly impossible to bring back. I thought of things that I could only cherish the memories. I was really saddened by those thoughts.

 

And now, I am not sure if I will see you tonight but if you’ll not come, I’d probably go home and just sleep. A voice inside me is telling me to forget you. This voice keeps on telling me that we’re very different. I was raised differently; my points of view are different from yours; I live in my own small world; I am like this and you’re like that. You can never be the person that I wanted to be with because of the things that surround you. I want you, I like you and I know that I love you, but inside my head is a voice telling me to let go of you. I don’t know if I’ll follow this voice but… If it’s the right thing to do, then I will.


Posted at 01:23 pm by 4sumrisons
Make a comment  

Thursday, October 13, 2005
mga kaluluwang ligaw!








Bawal magpakita ng mukha eh! Saka ko na ipopost yung iba, kapag di na kita yung mga mukha! Haha!

Posted at 12:00 pm by 4sumrisons
Make a comment  

Monday, October 10, 2005
shalalala

A friend told me that, you know you’re in love when reality is better than your dreams.

 

I never thought that things would turn out this fine, this happy. Before, just waiting for you to come contents me, looking at you from far, hearing news about you from my friend, looking at your page at friendster and doing some crazy stuff. And now, I can’t believe that I’ve come this close to you. I cannot describe my happiness but I know that I’ve never been happy this way before.

 

It all started on the first day of classes, I became a stalker, almost following every footstep of yours. Then I had this crazy idea of sending you letters. Anonymous at first, but I know that you already knew that it’s just me. After two months of waiting and praying of having the chance to come near you, last month I finally hit it!

 

Now, with the way things are going all I know is, they are better than what I dreamt of. Seeing you makes my day so perfect! You take away all my sadness, fears and anger. Your smile has the power to put me in a very good mood. Being with you completes me.

 

Now I know. I am…


Posted at 12:46 pm by 4sumrisons
Make a comment  

nalalapit na...

Nagsisimula na akong malungkot. Huling linggo na ito ng pagsasama natin sa duty. Noong una, nakakainis ang sked natin dahil umaga. Parang hinahanap-hanap ko yung mga gabing tawa lang tayo ng tawa at pinipilit kitang paaminin na patola ka. Pero di nagtagal natapos na din yun. Itong buwan na ito, tatlong linggo lang tayong nagkasama sa duty. Pero tulad na dati masaya pa rin. Mas tumagal ang mga oras na magkasama tayo dahil naglalakwatsa pa tayo tuwing hapon.

Itong buwan na ito, ewan ko kung paano, pero ngayon ko napatunayan kung asan ka na sa buhay ko. Ayokong tanggapin, ayokong ilabas sa bibig ko, pero naramdaman ko. At patuloy kong nararamdaman. Masaya ako sa tuwing magkasama tayo. Sa mga simpleng bagay na ginagawa mo, masaya din ako. Ayoko ng maputol ang mga sandali kapag magkasama tayo. Gusto ko kapag sinasandalan mo ako. Gusto ko kapag tumatawa tayo. Gusto ko kapag bigla ka na lang mangingiliti. Kapag sa duty, palagi tayong pareho ng ginagawa para magkasama tayo. Hindi ka naman brutal pero, ok lang sa akin na bigla ka na lang nanghahampas at nanununtok, di naman masakit eh! Gusto ko kapag nagbubulungan tayo at bigla na lang tatawa. Mga eksena sa sasakyan sa tuwing kinikidnap ka namin.

Natutuwa ako kapag sinusundot ko ang tenga mo at aamuyin ko ang daliri ko. Nahihiya ka kaya hahawakan mo ang kamay ko para di ko na amuyin ito. Kaya sa biyahe, palagi tayong magkahawak kamay. May mga sandaling tawa tayo ng tawa tapos bigla na lang matitigilan at tatahimik. Mga sandaling gustong-gusto ko ng aminin sa iyo, pero natatakot ako.

Natutuwa ako kapag nagtitigan tayo ng lokohan. Ewan ko, di ko naman sinasadyang titigan ka, pero napapatanga na lang ako kapag katabi kita. Parang magnet, bigla na lang ako lilingon sa iyo at tititig. Noong isang araw nung nasa gilid tayo ng Bahay ng Alumni, nag-aasaran at idinikit mo ang ulo mo sa ulo ko. Gaga ka! Muntik na kitang halikan nun! Kung hindi lang ako magaling magpigil, kahit may tao dun nahatak na kita! E di naka-first kiss ka ng wala sa oras! Haha! Kahit hirap na hirap na ako sa pagpipigil, di ko pa rin itinuloy, natakot kasi akong mailang ka sa akin eh.

Noong isang araw sa duty, sabi mo mahilig ako sa sad songs dahil malungkot ang buhay ko. Malungkot pero palaging nakangiti, paano pa kaya kung masaya? Paano pa kaya kung in love ako. Di mo ba alam na in love na ako? Gaga ka rin eh! Di mo alam na kaya ako pinagtatawanan ng mga kaibigan ko ay dahil palagi akong nakangiti. Kapag magkatext tayo ay tumatawa ako mag-isa. Para daw akong baliw... Kapag kasama ko sila, ikaw ang bukanbibig ko. Kwento ako ng kwento tungkol sa iyo. Noong nagkita-kita kami ng mga UP friends ko, ikaw ang sinasabi ko habang tumatawa ako. Hay... In love daw ako. Ang sarap ng feeling! Sana di na matapos pa... Kung pwede lang.

Madalas, may mga bagay akong gustong gawin para sa iyo, pero di ko magawa kasi di naman kita jowa. Madalas, nag-aalangan ako kung gagawin ko ba itong bagay na ito o hindi? Dahil magkaibigan lang naman tayo... May naisip nga akong ibigay sa iyo sa Biyernes pero nag-aalangan ako... Ang hirap ng lagay ko. Hindi ko alam kung magiging kaibigan ba ako sa iyo o susundin ko yung mga bagay na naiisip ko...

Kahapon, natatakot na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko... Ito na ang huling linggo natin sa duty. Next sem, maging magkaklase man tayo ay maliit na ang chance na maging magka-group tayo. DI ba malakas ka kay God? Hilingin mo naman na magkasama pa rin sana tayo...

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sasabihin ko na ba sa iyo? Aamin na ba ako? Ano kayang maging reaksyon mo kapag umamin na ako? Ano kayang mangyayari sa ating dalawa kapag umamin na ako sa iyo? Kung hindi ko naman gagawin, baka mawala ka na... Baka maging gaya ulit ng dati tayong dalawa. Hindi nag-uusap, hindi nagkakasama, wala lahat...

Sabi ng mga kaibigan ko, wag na muna daw. Wag udlutin ang pasibol pa lang... Ang sabi ko naman, paano kung ito na talaga ang huli? Paano kung hindi na tayo magiging magkasama sa duty? Paano kung wala na, paano kung hanggang text na lang tayo?




Posted at 10:09 am by 4sumrisons
Make a comment  

Tuesday, September 27, 2005
In Love Daw Ako?!

Sabi nila sa akin... "In love ka na 'tol! Aminin mo na!"

Ako??? In love? Hindi nga?! Paano naman nila nasabing in love ako? AKo ma-i-in love? Imposible yata yun! E bato na ang puso ko eh, di na ito mapapalambot ninoman. Kaya ayang mga kaibigan ko, wag na nila akong hiritan ng in love in love na yan, at wa epek lang sa akin yan!

Nitong mga nakaraang buwan, hinihintay hintay ko at kinapapanabikan ang mga araw na magkikita kami. Para akong tangang nag-e-ensayo ng mga linya ko para lang makausap ko siya ta sa tuwing nariyan na siya, natatameme na ako at nalilimutan ko lahat ng mga sasabihin kong ilang beses kong pinagpraktisang gawin. Kinuntsaba ko pa ang aking kaibigan na bantayan siya. Obserbahan ang kanyang bawat kilos at galaw para magkaroon ako ng kaalaman tungkol sa kanya. Hinanap ko pa nga ang page niya sa friendster at sa bawat araw na mag-o-online ako ay hindi ako pumapalyang tingnan iyon ng isa, dalawa, tatlo at misan ay di ko na malaman kung ilang beses ko itong tinitigan at binasa. Gumawa pa nga ako ng blog para sa kanya, para lang mailabas ko lahat ng katorpehan ko. Napasugod pa nga ako sa may Laong-laan kahit masama ang panahon dahil sa isang text niya lang na kung pwede daw manghiram ng cap ko, ni hindi nga ako nagkaroon ng lakas ng loob noon para harapin siya. Paano ba naman, ang tomboy ng get up ko nun!

Noong nakaraang buwan, para akong baliw na nagbibigay sa kanya ng sulat. Napapraning kung pagdududahan niya ba na ako ang nagbibigay ng sulat? Napapraning na baka mahulog ang loob niya doon sa kunya-kunyariang karakter na aking binuo. Madalas ay hindi ako makatulog kakaisip sa kanya. Pag mulat ng mata ko, para siyang multo na bumubulaga sa aking mga mata. Sa ganoong simpleng mga bagay, hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa aking sistema.

Nitong mga nakaraang araw, halos hindi na maalis sa akin ang saya. Parang bahagi na ng araw-araw na routine ng buhay ko ang maging masaya. Inaabangan ko ang mga text niya. Nagmumukha na akong tanga sa bahay sa kakatawa kapag magkatext kami. Bago pumunta sa duty, isip ko ng isip ng magandang dahilan sa tuwing may dala akong pasalubong sa kanya. Sa bawat pag-uusap naman na huling-huli na siya, pero kakambyo nanaman. Ang mga kamay niyang malambot at masarap hawakan. Ang mga mata niyang nakakatuwang titigan. ANg mga tawa niya dahil sa mga jokes kong corny. Ang mga sandaling mangiyak-ngiyak na kami pareho sa kakatawa. Ang mga kapraningan ko na baka nabasa na niya ang friendster ko at nalaman na niya ang sikreto ko. At ang pinakaimportante, ang kasiyahan ko sa tuwing makikita ko siya, sa tuwing nariyan siya na malapit sa akin.

Nitong nakaraang linggo, nalaman ko na ang kasagutan sa aking mga katanungan. Siya ang aking bukambibig, sinoman ang maka-usap ko, palagi ko siyang nababanggit. At noong huling duty natin para sa buwan ng Setyembre, doon ko napatunayan... Doon ko nalaman... Doon nasagot ang mga tanong ko... Kung ano man ang mga pangyayari nun, akin na lang yun! Babalikbalikan ko kapag wala akong magawa! Haha! In love na nga ba ako? hmmm... OO eh!

Posted at 09:42 pm by 4sumrisons
Make a comment  

Monday, September 26, 2005
titulo

Natapos na ang isang buwan. Ang bilis lang, parang hindi ko man lang namalayan. Bakit kaya naiisip kita ngayon eh magkikita naman tayo bukas? Ilang oras na lang naman. Etong mga nakaraang linggo, masyado akong masaya. Ikaw kasi eh! Pero kanina, habang naliligo ako at iniisip ko kung magtetext ka kaya, biglang sumagi sa isip ko kung eto na bang Oktubre ang huling buwan na magkakasama tayo?

Parang mahirap isipin, nakakatakot. Ano kayang gagawin ko kapag sa susunod na semester ay hindi na tayo magkasama? At ang masama, baka hindi na tayo maging magkagrupo. Paano na?! Isipin ko pa lang na mangyayari yun, nalulungkot na ako. Paano pa kaya kung mangyari na mismo? Wag naman sana...

Masaya ako kapag magkasama tayo. Tawa lang ng tawa, kwentuhan tapos tatawa nanaman. Alam mo bang dadaanan sana kita ng cake sa chocolate kiss noong Friday? Kaso isip ako ng isip ng paraan kung anong idadahilan ko sa iyo kung bakit may dala akong cake? Noong Sabado naman, kung ano anong dahilan na ang naisip ko kay Ate Gen para lang makalibot pa sa Shang at makahanap ng pasalubong sa iyo, kasi natuwa ako sa binigay mo sa aking macaroons. Kung alam mo lang na parang naiinis na sa akin si Ate dahil bigla na lang akong nawawala sa paningin niya. Buti nagustuhan mo yung tinatawag mong "giant cookie."

Noong Friday night, buti na lang hindi nakita ni Ma'am si Kuya Bullet at ako ang napili niyang sumama sa iyo. Nahihiya akong dumikit sa iyo, pero masyado kang touchy. Sabi mo ganun ka lang talaga sa lahat ng tao. Hay! Pero natuwa ako. May mga bagay na ginagawa ka, na kung tutuusin ay simple lang, pero iba ang dating sa akin. Kakaibang tuwa. Hindi pala tuwa. Saya! Sabi mo noong gabi, "ganito lang naman talaga ako sa lahat ng tao." Aray! Ibig bang sabihin nun friend lang ako sa iyo?

Bakit ganun, sa tuwing tumitingin ako sa mukha mo, parang paganda ka ng paganda? Tinatamad na nga akong magsulat dito sa blog na ito. Nahihirapan na kasi ako dahil sa masyado akong masaya. Haha! Hindi ko alam kung anong isusulat ko dito. Wala ng kwenta mga pinagsasabi ko!


Posted at 11:01 pm by 4sumrisons
Make a comment  

Tuesday, September 20, 2005
hey dear!

Ewan ko ba kung bakit iba ang pakiramdam ko ngayon. Napapraning lang ba ako dahil hindi na tayo kitikitext? May dahilan ba akong mapraning? O dahil lang sa may exam tayo kahapon? Pakiramdam ko kasi ay balak mo na akong iwasan. Tama ba?

Alam mo ng ako ang sumusulat sa iyo. Hindi ba? Bakit nung Linggo ng madaling araw, pinalitan mo yung name mo sa phone book ko ng Hey Dear! Kakainis ka ha kasi nahirapan akong magpalusot. Sabi mo sa akin, buburahin mo yung R na yun sa friends mo, bakit hindi mo ginawa? Sabi mo una't huling message mo na yun. Eh kung magreply kaya ako dun, sasagot ka nanaman? Hay! Paano pala kung hindi ako yun? Bakit ini-entertain mo pa rin? Haaayyy... Ayoko ng ganun. Nakakatakot. Parang gaya din nila, gaya din ng iba.  

Nawawalan na ako ng gana...

Posted at 02:59 pm by 4sumrisons
Make a comment  

Next Page
AKO

bangag-palakanta-palatawa-may pagkamaniac(slight...)-mabait 'pag tulog-renewed (dahil sa kanya)-tulala sa isang tabi-torpe-nanginginignginig-tomboy-iskolar ni ina't ama-manhid-adik(sa kanya)- inlababo kay ate at may pa-ate-ate pang nalalaman!

SIYA

mabait na bata, matanda, anak kaibigan at ate kunwari-cute-maliit-haba hair (puro patay sabi niya!)-sweet-liit kamay-tawa ng tawa-may kiliti sa tenga-on diet palagi sa rice-mahiligsa hayop-mahilig sa sweets-favorite niya ang snickers-corny-favorite ang green-di mahilig sa gulay-straight(daw!)-masarap ka holding hands, katitigan at kasama- mahal ko!!!

   

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30




mga napadaan dahil walang magawa



If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed