Sunday, September 11, 2005
my guss!

Ilang araw na akong nakangiti. Ilang araw na akong masaya. Ilang umaga na ang dumadaan at hindi ako makatulog. Masyado akong masaya sa mga nangyayari sa atin. Hindi ko na nga alam kung ano ang isusulat ko dito sa blog na ito eh. Pero mapilit kang alamin ang url ng blog na ito, akala mo mapapaamin mo ako? Hindi! Sa'yo na rin nanggaling... Sinungaling ako! Haha!

Ikaw! Muntik na akong mahulog sa upuan na inuupuan natin. Paano ba naman ay nasa dulo na ako pagkatapos ikaw, siksik ka pa ng siksik sa akin? Pero ayos lang... Nakakatuwa yung mga oras na iyon, magkatabi lang tayo sa upuan, para tayong mga siraulo. Tawa tayo ng tawa. Minsan iniisip ko na masyado ka lang touchy kaya palagi tayong magkahawak ng kamay. Ginawa mo akong unan! 

Mukha talaga tayong mga tanga! Habang nakahiga ka sa akin ay hinahagod ko ang buhok mo, kung may biglang pumasok doon iisipin nilang may nangyayaring kakaiba sa ating dalawa. Natuwa ako kahapon, tawag ka ng tawag, gusto mo share tayo sa readings habang nagrereview. Tatanggi ba ako?! Syempre hindi. Pag lingon ko kay Ate, nakatingin siya sa atin. Paano ba naman kasi, nakaakbay yung kamay ko sa likod ng upuan mo habang pinapaypayan kita, tapos hawak ko pa yung readings sa kaliwang kamay ko at magkadikit na magkadikit ang upuan natin. Ewan ko ba!

Hindi ko sure kung nakita mong ginagamit ko ang pangalan mo sa celphone ko. Ayoko i-check, pero I have this feeling na nabasa mo kagabi sa celphone ko na andun yung name mo sa top scores. Tanga-tanga kasi ako eh! Touchy ka lang ba talaga o ano? Bakit noong tulog na ang lahat ng tao kaninang madaling araw ay bigla mong hinawakan ang kamay ko? Samantalang noong maaga-aga pa ay di ka ganun. Ewan ko, nasasanay na yata ako na palaging hawak lang ang kamay mo. Nakita pa nga nung isang Ate na hawak ko yung kamay mo. Sabi sa akin ni Tessa, masyado daw akong chance dahil ayaw kong bitawan ang kamay mo. Eh sabi mo kasi ganun lang hanggang 6:00 eh! Haha!

Pero ewan ko sa iyo, palagi mong sinasabi sa akin na hindi ka papatol. Hindi ko maintindihan. Hindi ko alam. Masyado tayong masaya pero ano nga ba ako sa iyo? Baka kaibigan lang. Pero hindi ka naman ganun kay Tessa. Hindi ka rin ganun sa source ko. Kagabi kanta pa tayo ng What Do We Mean To Each Other. Haha! Akala mo di ko gets noh? Patay malisya lang ako! Alam ko pong nabasa mo ang blog ko sa friendster. Paano masyado kang obvious eh, hindi ka nagtatanong pag may sinasabi ako. Parang lagi mong sinasabi na "alam ko, nabasa ko na yan sa yo!" Pati yung Destiny, kanta kanta ka pa. Pero hurt ako dun sa kantang gusto mo, yung Ewan ba yun? Ewan ko tuloy kung anong meaning nun. Para sa iyo ba talaga ay hindi pwedeng maging tayo?!

Nagulat ka pa sa Snickers noh? Ewan ko, ang dami kong lusot kung bakit ko binigay sa iyo yun, pero ang totoo, pumunta talaga ako sa Shang ng maaga sa usapan ng kasabay ko para mabili yun para sa iyo. Sabi mo ang sweet ko? Uyyy.... Ewan ko sa iyo! Bakit gusto mo ng ipaalam sa akin na alam mong like kita? Bakit kaya? Anong gusto mong gawin? Bakit gusto mong ipabasa na sa akin yung mga sulat sa iyo? At gaga ka talaga! Umaamin na nga ako kagabi na ako yung nagpapadala ng sulat sa iyo, ayaw mo pang maniwala. Sabi mo sinungaling ako! Eh ibigay ko kaya sa iyo yung diskette na puno ng puro sulat ko sa iyo? Haaayyy...

Basta masaya ako. Sana tumagal ito. Sana tuloy tuloy na. Sana totoo na ito...

Posted at 07:16 pm by 4sumrisons
Make a comment  

Friday, September 09, 2005
happy!

Hindi ko na ma update ang blog na ito. Nahihirapan na kasi ako. Hindi ko na alam kung anong isusulat ko. Biruin mo, isang linggo pa lang ng duty natin, unang linggo pa lang... Nag-uumapaw na tayo ng mga masasaya at magagandang alaala.

Nakita na kita kung paano ka matulog. Simpleng simple lang. Akala mo siguro tulog na ako noon, pero medyo... Nakatulog ako ng konti, pagkatapos gumising agad ako pinanood ko kung paano ka matulog. Pinag-aralan ko ang bawat kurba ng mukha mo, eh syempre ba naman, ano bang malay mo na tinititigan kita? Haha!

Narinig na din kita kung paano ka kumanta. Pero nalilito ako kung para saan ang mga kinanta mo. May gusto ka ba? May boypren ka ba? Bakit ang mga kanta mo ay I've Fallen For You, Weak, Time Will Reveal, What Do We Mean To Each Other at ewan ko na yung iba. Tinanong kita kung bakit ganun mga kanta mo sabi mo nagkataon lang. Ok fine! Pero nagulat ako kung bakit ka itinulak sa akin ni Ate. Bakit nga ba? Muntik na tuloy kitang yakapin. Ang init mo nun ah! grabe! Hehe! Gusto ko mag-assume, pero natatakot ako, so mas mabuting wag na lang...

Napansin ko din nung pauwi na tayo noong Sabado, sinipa mo si Ate sa paa noong may nagtext sa akin at ang reply ako ay "opo, opo nariyan na!" Akala mo di ko nakita yun ah?! At kagabi, tila yata kitikitext ka? Ang haba ng usapan natin ah? Samantalang dati ay pangalawang message pa lang ay pinuputol mo na ang usapan. Lagi mong sinasabi na, "O siya, bukas na lang."

Hindi mo alam para akong baliw kagabi, tawa ako ng tawa habang magkatext tayo. Pero nanlumo akong bigla ng naging seryoso na ang usapan natin at sabi mong hindi ka papatol. Pero ewan ko, bigla kang kumambyo eh, sunod na message mo may pakanta-kanta ka pang nalalaman na "i'm only human born to make mistakes." at sabi mo pa, "LET'S cross the bridge when WE get there." Let US, WE? What do you mean by that? Groggy ka na ba talaga kagabi at wala ka na sa katinuan o seryoso ka sa mga sinabi mo last night? Porke't sinabi ko lang na, kung ako sa admirer mo ay di ko ipipilit sarili ko sa iyo dahil straight ka, bigla na lang nag iba ang ihip ng hangin. Ano ba talaga? nalilito na ako.

Nararamdaman ko na eh, palapit na sa mga bagay na gusto kong mangyari. Kailngan ko lang ng isang cocnrete evidence o di kaya pag-amin mula sa iyo. May duda akong nahanap mo ang page ko sa friendster. May duda akong matagal mo ng alam yun at kahapon nabasa mo yung entry ko sa blog doon kaya ka ganun kagabi. Haaayyy...

Magkasama na sana tayo ngayon. Peste kasi yang CI na yan eh. Nakakapikon na siya! Di bale, alam kong mas masaya pa tayo mamaya. Naalala ko, noong Tuesday, pagpasok ko pala ng classroom ay nabasa mo na pala ang letter ko (na hindi mo alam o kunyari ka lang na hindi mo alam na sa akin din nangagaling yung mga yun?). May sinabi pa naman ako doon na like kita. Akala ko pag nalaman mo iyon, iiwasan mo ako. Pero iba ang nangyari. Ang saya saya mo noong Tuesday. Akala ko sabog ka lang, pero nabasa mo na pala yung sulat ko. Nalaman ko lang nung uwian na. Super korni mo nung araw na yun ah, pero ang saya mo. Na-feel ko yun!

Noong Lunes ng gabi, akala ko katapusan na eh. Akala ko sasabihin mo ng tumigil na yung nagsusulat sa iyo. Yun pala, gusto mo lang yata malaman number niya kasi ayoko ibigay? Hekhek! Nalungkot ako noon. Tulala ako ng ilang minuto sa loob ng Jollibee. Kung alam mo lang na pauwi na kami noon pero napabalik kami dahil doon sa text mo. Nakakaloka ka kasi eh! Nalaman ko tuloy nung gabing yun kung gaano ka na ka-importante sa akin. Parang di ko kakayanin kapag ipinatigil mo na yung pagsusulat.

Ha! Naaalala ko, masaya pa la pag nagsasabihan ng I love you o mahal kita noh na parang wala lang. Parang mahal kita as a friend (di mo lang alam!!!) haha! Totoo naman yung sinabi ko sa text na love din kita eh. At sabi mo love mo din ako. Wala ng bawian yun! Haha! Hindi mo dapat mahawakan ang celphone ko, dahil baka malaman mong puro ikaw ang laman ng inbox ko. Haha!

Ang sweet mo kagabi, natutunaw ako. Natutunaw pati ang mga bakod na nakapaligid sa akin. Sabi mo patay na ang puso mo... Pwede ko ba siyang buhayin, pero... Please, wag mong papatayin ang puso ko. Hay kakurne! Hekhek!

Posted at 11:47 am by 4sumrisons
Make a comment  

Friday, September 02, 2005
posts sa peyups.com

may balak kasi akong mabasa niya lahat ng pinaggagawa ko para sa kanya, balang araw... ewan ko nga lang kung yung araw na darating na iyon ay forever na niya akong hindi makikita o kaya naman ay masaya na kami with each other's arms... Wahahaha! Mas gusto ko yung huli... feel ko yun!

Heto yung mga pinagpopost ko sa peyups... Since ginagamit ko na sa kanya ang password ko sa lahat ng accounts ko, e di malaman na rin niya kung para saan yung mga passwords na yun. Haha!

7-12-2005

http://peyups.com/posts.khtml?topic=24139&forum=6&jumppost=2032831


7-14-2005
http://peyups.com/posts.khtml?topic=24139&forum=6&jumppost=2034245


7-26-2005
http://peyups.com/posts.khtml?topic=24139&forum=6&jumppost=2044649


8-02-2005
http://peyups.com/posts.khtml?topic=23146&forum=6&jumppost=2051169


8-17-2005

Posted at 04:41 pm by 4sumrisons
Make a comment  

senglot!

May hangover pa ako sa iyo! Grabe na ito! Iba talaga epekto mo sa akin, parang pinaghalong sipa ng kabayo at damo, pati na rin ang epkto ng beer at gin, all in one. Minsan, naitatanong ko sa sarili ko, bakit kaya tayo pinaglayo noong unang dalawang buwan? Para kaya maging malapit tayo sa isa't isa, dahil kung naging magkagrupo tayo agad ay malamang sa malamang ay hindi kita pinapansin. Hehe!

Ewan ko, nalilito ako, pero parang lahat ng nangyayari ngayon ay sinasadya ng panahon. Parang sinasadya niya na paglapitin tayo. Parang ang lahat ng nangyari dati ay naging daan para hindi ako mahiya sa iyo habang nagagawa ko at nasasabi ko ang mga gusto ko. Yun nga lang, hindi ko alam kung hindi mo alam o alam mo ng ako nga...

Kagabi, pinilit kong pumikit na at matulog. Nagbabakasakaling makatulog agad upang magising ako ng maaga. Pero nakailang ikot na ako, nasa isip pa rin kita. Hindi mo nanaman ako pinatulog kagabi. Kaninang umaga, pag gising ko para kang multo na bigla na lang bumubulaga sa isip ko. Papasok na ako kanina, nagmamadali at natatakot. Sinisiguro ko sa source ko na iisa ang papasukan nating duty ngayon. Nagalit pa ako sa traffic dahil nagmamadali na akong makita ka.

May sumalubong sa akin na hindi magandang balita. Isip ako ng isip kung iimpormahan ba kita o hindi.. Sabi ko hindi na lang para hindi mo isipin na alam kong nasa grupo na kita. Pero sana narinig mong inalam ko kung nasa school ka na nung tumawag ako... Mainit na ang ulo ko kanina, pero ng mabungaran kita nawala lahat ng inis ko. Kinabahan pa nga ako, napansin mo kayang lumiko ako bigla at nagtago sa likod ng kotse nung ngumiti ka ng makita mo ako?

Pag harap ko sa iyo, lalong nawala lahat ng inis ko. Puro buntong hininga na lang sabay sabing "paBP naman..." Napatawa nanaman kita. Corny mo talaga! Nabawasan na tayo ng dalawang araw, tatlong linggo pa, at sana pati sa susunod na buwan pa... Ewan ko ba, kung masyado na akong obvious kakatingin sa iyo? Ewan ko ba kung napansin ng mga ka-grupo ko dati na iba ang sigla ko kanina at masyado akong masaya. Ewan ko ba kung bakit ganun ang epekto mo sa akin...

Nabuking mo kaya ako nung sinabi ko sa iyo na pinapabantayan ka sa akin ng isang tao? Hindi mo na kasi nabanggit ang salitang "secret" ibig sabihin ba nun, di na sikreto sa iyo kung sino ang taong iyon? Ewan ko... Basta masaya ako... Excited na akong magbukas dahil magkikita na tayong muli. Sabay pa tayong pupunta sa ating duty... Wag mo sana akong mabuking. Sana mas maging malapit tayo sa isa't isa... Sana dumating ang araw sasabihin ko ng... The feeling is mutual... Haha! 

Posted at 04:23 pm by 4sumrisons
Make a comment  

Friday, August 26, 2005
nakakabaliw!


 


Nakakabaliw ka! Ang hirap mong ispelengin!

Ayon sa aking source noong nakaraang Sabado ay may duda ka na kung sino ang nagbibigay sa iyo ng sulat. At syempre ako yun! May pa snickers snickers ka pang nalalaman diyan! Patola ka ba talaga o gusto mo lang yung thought na may admirer ka? Hmmm... Nalilito na ako!

Noong Lunes, ang tagal tagal mong magreply. Sumakit na ang tiyan ko sa kakakain ng pizza, sa kakatawa at sa pang-aasar namin sa waiter na si Casey, hindi ka pa rin nagtetext. Napagtripan na namin pati ang mga ATM machines at mga janitors ng SM North, pero ang tagal mong magreply. Nung nagtext ka, pauwi na kayo. Loka ka talaga! Sa tagal mong magtext, nabasa na kami ng ulan at naipit na kami sa traffic. Pero ok lang! Sabi mo madami kang pasyente eh. Masaya ka namang kausap eh. Enjoy ako!

Akala ko balewala lang sa iyo, akala ko hindi ka interesado, pero nung nagtext ka at hinahanap mo kung asan na kami samantalang limang minuto pa lang ang nakakalipas noong nagtext ka. Ibig sabihin concerned ka. Hindi ko alam kung sa amin o dun sa nagpapabigay kunyari sa iyo o doon ba sa ibibigay sa iyo? Isip pa kami ng isip kung anong ibibigay sa iyo na importante, para lang matuloy at ma-justify na urgent talaga. Pero ang totoo, gusto lang kitang makita. Ah ewan, basta ang alam ko, masaya ako noong araw na iyon!

Pag-akyat namin, gulat na gulat ka dahil naka scrub pa kami. Ibig sabihin, galing pa ng duty. Akala mo lang yun! Madami na kaming napuntahan noong araw na iyon! Haha! Pero nagulat din ako na makita kang nakapink! Bagay sa iyo ang kulay. Bagay sa puti mo, bagay sa buhok mo pero natawa ako sa pink mong sandals. Nagiging babae ka yata lately? E dati rati eh natotomboyan ako sa get-up mo!

Masaya ka palang kausap. Noong Lunes lang kasi tayo nakapag-usap ng ganun sa labas pa ng school. Sa harap ng Let's Face It sa SM Manila. Haha! Hinala mo ng ako talaga ang nagbibigay sa iyo ng mga anik anik ano? AT gusto mong tumalon ako mula 5th floor hanggang 1st floor. Gaga ka ha! Hehe! Eh kung malasug-lasug ang katawan ko dun, e di wala ka ng matatanggap na mga sulat? E di malalaman mo ng ako talaga?! Hmmm... I am sure, mamimiss mo din ako 'pag nagkataon!

Kitang-kita ko sa iyo na interesado kang malaman kung ano ang dala namin. At madaling-madali ka pa na basahin yung sulat na kasama. Pero mas nakakatuwa... Sabi mo diba sa source ko na sa susunod, magpakilala... Nagpakilala na ako... Hindi ko man sinabi ang pangalan ko, binigay ko naman ang student number ko. Akala mo telephone number noh? Haha! Tinawagan mo kaya yun? Haha! Yung number na iyon ay isa sa mga importanteng numero ng buhay ko, kaya ayun ang ginamit ko sa iyo... Kasama yun sa password sa lahat ng accounts ko online.

Hindi ko maintindihan kung ganun ka ba talagang makipag-usap. First time kasi nating nag-usap ng ganun na matagal, puro biruan. kasi sa school nga, bihira kitang kausapin. Nahihiya kasi ako. Medyo corny... Pero, I swear! Totoo ito, may nakita akong spark sa mata mo. My gass!!! Kakaiba talaga! Parang iba yung aura mo that day. Masayang masaya ka.

Pinagpipilitan mo pang kilala ko ang nagbibigay sa iyo ng mga chorva. Hmmm... Kilala ko nga! Paano mo alam?! Haha! Pero syempre, deny to death ako. Patay malisya at umugong nanaman ang mga linya kong "Pramis! Peksman! Di ko talaga kilala! Pustahan pa tayo!" Enjoy ako sa mga tawa mo. Kasi parang normal lang, bigay lang. Walang pagpipigil, walang tinatago...

Nahuhulog ka na ba doon sa taong nagpapadala sa iyo ng mga kung anik-anik? Eh paano ka mahuhulog, eh hindi mo alam kung sino siya! Haha! Pero bakit ganoon ka nung naglalakad na tayo, hawak ka ng hawak sa noo mo na natatawa ka, na parang sumasakit ang ulo mo. At narinig ko pang tinanong mo si Ate kung susuportahan ka ba niya. Susuportahan saan? Sa pakikipagrelasyon sa kapwa babae? Hahahahaha!

Natawa ako sa reaksyon niyo nung nagkagulo kaming tatlo dahil may seksing dumaan. Natatawa kayo na hindi ko maintindihan. Ikaw! Bakit mo ako tiningnan ha?! Hehe! Siguro kung magkakasama tayo ng mas matagal, enjoy tayo at click tayo. Haha! Madami akong kwento sa iyo na siguradong matatawa ka. madami akong jokes sa iyo na siguradong knock knock pa lang ang sasabihin ko ay matatawa ka na.

Ha! Alam ko na kung saan ka umuuwi! Akala mo ha! Kahit madilim noong gabing iyon... Pag nadaan ako doon, alam ko na! Mamaya, makakatanggap ka ulit ng sulat, medyo walang sense yung sulat na iyon kasi busy ako nung sinusulat ko yun eh. Nagrereview din ako para sa exam natin noong hapon. Oo nga pala, naaalala ko! Siraulo ka pala! Noong Lunes ang saya-saya ng kwentuhan natin, tapos noong Tuesday hindi mo man lang ako pinansin! Hmp! Dumaan na kayo sa harap ko, binati na ako ni Ate, ikaw hindi ka man lang lumingon. Sabi mo lang... "e-e.." na para kang natigilan at nagdalawang isip kung babatiin mo din ba ako! Kung gaano ako kasaya nung Lunes, ganun naman ang inis ko sa iyo nung Tuesday ng gabi. Kainis ka talaga!

Matatanggap mo na ang sulat ko mamaya, unti-unti ng lumilinaw na ako nga talaga, lalo kung pagsusunud-sunurin mo ang mga pangyayari dati at kung nakikinig ka sa mga kwento ko kapag kausap ko ang mga kaibigan ko. Haha! Malalaman mo na itong blog na ito, pero syempre, hindi ko sinabi ang url. Ano bali? E di nag-confirm ako agad. E di mahihiya na ako sa iyo, eh next week eh magkasama na tayo sa duty. Baliw ba ako?! Haha!

Next week, magkasama na tayo sa duty. Wala ka ng kawala sa akin. Haha! Joke lang... Kailangan ko ng kumilos. Nagkakagulo na, baka magkahiwalay na tayo. Yung inaakala ko dati na dalawang taon pa, baka ngayon dalawang buwan na lang. Huwag naman sana... Sana matagal pa kitang makasama...



 


Posted at 10:20 am by 4sumrisons
Comment (1)  

Wednesday, August 17, 2005
haaaayyy...

hey ate ***,

Pinuyat mo ako kagabi. Isip ako ng isip kung anong naging reaction mo. Isip ako ng isip kung susundan ko pa ba yung sulat na yun. Isip ako ng isip kung gising ka pa ba sa ganoong oras dahil hindi ka makatulog sa kakaisip kung sino ang nagbigay sa iyo ng sulat. Iniisip kita, paulit ulit na bumabalik sa alaala ko yung reaction mo ng mabasa mong walang pangalang binigay yung nagbigay ng sulat sa iyo. Paulit-ulit kong naiisip yung pagtawa mo, nung natawa ka sa hinirit ko sa klase. Haaayyy...

Nagtanong ka, sabi mo, "sino kaya ang nagbigay ng sulat na ito?"

Hindi mo siguro ako paghihinalaan dahil sa kakatukso ko sa iyo ng "yihee, may umiibig sa kanya..." Hindi mo alam, katabi mo na ang nagbigay ng sulat sa iyo. Hindi mo alam na ilang dangkal lang ang layo sa iyo ng taong gumawa ng sulat na iyon. Hindi mo alam na kaya malamig ang mga kamay ko ay dahil kabadong-kabado ako dahil baka mahalata mong ako ang may gawa ng sulat na iyon, nagdahilan na lang ako at sabi ko "sobrang malamig sa loob ng classroom kaya hanggang ngayon ay nanlalamig pa rin ako."

Tinatanong mo pa ako kahapon, "sino ba kasi?" pero ang sagot ko lang ay simpleng iling at "yihee... yihee... yihee..."

Bakit alas singko ka na pumapasok? Dati rati ay alas kuatro nasa school ka na? Akala ko kahapon ay hindi ka papasok, 5:30 na kasi wala ka pa. Akala ko natakot ka sa text ng source ko na may nagpapabigay ng sulat sa iyo. Pero nung nakita kitang dumaan, haaayyy... Kinabahan akong bigla. Bakit di ka na umuupo sa malapit sa akin? Pinagdududahan mo bang si Bituin ang may gusto sa iyo? Haha! At bakit babaeng babae ka nanaman kagabi? Akala ko ba hate mo ang magsuot ng sandals dahil tumutunog? Eh bakit ganun yung sandals mo? Kay Cinderella yata yun eh!

Dapat sabay sabay tayong maglalakad kagabi, pero dahil sa takot ko na baka kung anu-anong masabi ko at mahuli mo ako dahil hindi ako magaling magsinungaling pinauna ko na lang kayo... Pero hindi mo alam, hinahanap ko kayo. Nakita ko pa nga kung asan na kayo eh, nasa bakery, inaamoy mo yung tasty bread na binili mo. Haha! Stalker yata ako!

Pasalamat kayo hindi ko kinulit si Ma'am na kunyari hindi ko maintindihan yung mga pinagsasabi ninyo kaya hindi na kayo nagdiscuss sa harapan. Baka kasi mabuking ako pag pinagpilitan ko na dun kayo sa harap mag-explain, syempre para malapit sa akin! Haha!

Kagabi, nung ibibigay na sa iyo yung sulat. Hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kaya ginawa ko na lang, inasar kita ng inasar... Nagulat ako ng umupo ka sa tabi ko. Natakot ako. Hindi mo ba napansin na bigla akong tumigil sa pang-aasar sa iyo sabay tumingin sa malayo tapos maya-maya bigla ko na lang sinabing sobrang lamig sa classroom. nanginginig na kasi ako nun. Buti na lang preoccupied ka din dun sa sulat.

Nagulat ako ng bigla mong inamoy yung papel. Sabay buklat. Binasa mo ang unang mga linya sabay tingin sa baba. Nalungkot ka na makita mong walang pangalang nakalagay. Pero mas nabigla yata ako sa reaction ko. Bigla kong hinawakan ang kamay mo para itago mo yung sulat kasi baka makita ng mga kuya. Sabay sabi ko na lang, "ate huwag mong babasahin yan dito..." Sana hindi mo napansin na malamig ang kamay ko... Hindi mo rin ba napansin na nung nagtanong ka ng "walang pangalang nakalagay??" ay tumango ako at parang sinabi kong wala nga... pero buti na lang bigla akong bumawi sabay tanong "bakit, ate, wala bang pangalang nakalagay diyan?" hay! Kung pagsusunud-sunurin mo lang ang mga pangyayari, malalaman mong ako yun. Ilang beses ko na naibuko ang sarili ko ng di ko sinasadya...

Pagtayo mo sabi mo, "siguraduhin niyo lang na tao ito at hindi cyborg!" Nagulat kami sa reaksyon mo... So hindi na importante kung lalaki o babae? At sabi mo pa sa text hindi ka magrereact kung ano pa man siya. So, umaasa kang tibam nga ang nagbigay sa iyo ng sulat? Pero akala mo may makukuha kang sagot sa amin? Syempre wala! Kaya simula kagabi... Ang nagbigay sa iyo ng sulat ay isang HALAMAN! Cactus! Hehe!

Haaayyy... Sana makasama kita sa gurpo sa September. Hirap nito, baka malayo na sa isipan mo ang paghihinala na ako nga ang may crush sa iyo. Baka nag-iisip ka na ng ibang tao at hindi na ako. Kailangan kong umaksyon... Kailangang ako ang isipin mo. Haha!

Mahal na yata kita... Haaayyy... Mahirap yan! Bawal akong magmahal... Hindi maari itong nararamdaman ko, pero ang hirap pigilin... =(



 

Posted at 11:49 am by 4sumrisons
Make a comment  

Tuesday, August 16, 2005
AIDS-Ako Inlab Dahil Sa'yo! CORNY!

Hey dear!

 

Do not be surprised to receive something like this from someone you don’t know and perhaps… You will never know. I have decided to give you this letter for I know that I will never find the courage to tell you all the things that I need to say personally.

 

No, do not be afraid for I mean no harm. I do not have any intentions of hitting your paranoia and don’t you ever think that I might be seeing you right now as you read this one. But I am sorry if I’m causing you some troubles. This I want to tell you, I will never do things that will harm you; you’re safe with me, there’s no reason to fear… That’s something I can assure you.

 

I like you. I like the way you walk, the way you smile, the way you carry yourself, your hair, your simplicity, simply the way you are…Seeing you from a far for quite a while is enough. You are someone so precious… That’s how you are to me. Yes, I might be wrong. I might be having the wrong perceptions for I must admit; I don’t know you that well. I could be liking someone who’s completely not you; I might be liking someone so perfect, so ideal ‘cause that’s how I see you. I could be creating a new person out of you for all I have are some observations about you. But there’s something deep within you that my eyes cannot see but my heart can really feel. It’s your kindness, it’s your beautiful soul, radiating over you overwhelmingly. You possess things that I couldn’t help but to admire…

 

You may never know and you may never care at all, but I am admiring you for months now. You captured a part of me ever since the first time I saw you. You got me since day one… Is it what people calls ‘love at first sight’? That may sound too childish, it may sound too obscure but I will refuse to admit that I am in love with you. For love is a very strong word. And you, you deserve only the deepest meaning of the word love. 

 

I might be facing a blank wall. I may never win your heart. I might end up with a broken heart. Gambling has never been my thing, I would always go to a place where I can secure and protect myself but if I will not do this, how am I able to know and learn? I might lose my pride, my self-respect and my integrity (if I still have some???) but it’s time to gamble. And if I am not the one destined to hold your hand forever, I hope that someone will respect you, take care of you and love you as much as I can…

 

After reading this, I don’t know how it’s going to affect you. Will it cause you good, bad or none at all? I do not know… And I don’t want to think about it, cause it will only bring me headaches. But please don’t you ever change. Act as if you haven’t received and read this one. Please…

 

I may never find the strength to approach you and tell you that it’s me who adores you this much but please, don’t stop me from doing this. For doing things like this for you brings an unexplainable happiness to me.

 

Please, don’t let anyone know about this. I might get too shy and might never gather all the courage that I need to face you. Please, keep this one as a secret. I hope you will, and I TRUST you that YOU WILL…

 

Take good care of yourself…

 

Until then…


Posted at 10:48 am by 4sumrisons
Comment (1)  

Masaya Ako!!!

Wee!!! Yipee!!! Yehey!!! Ewan ko ba kung bakit ang saya saya ko??? :twak: sa akin! Bakit kaya???

a. Dahil nakagawa na ako ng sulat para sa kanya?
b. Dahil kaya muntik na akong nahulog nung nginitian niya ako kagabi?
c. Dahil kaya ang pretty niya kahapon?
d. Dahil kaya nagtitigan kami kahapon?
e. Dahil kaya mahal ko na siya???

Haaaayyyy... Hindi ko akalain na pagdududahan niya na ako yung friend nung nagkakagusto sa kanya. Ewan ko ba kung anong gusto niyang tumbukin sa tanong niya sa aking source ng tanungin nilang "Si **** ba yung friend mo???" Parang gusto kong tumalon nung nalaman ko yun. Kaso lang tulog na lahat ng tao sa bahay pati mga karpintero, kahiya naman... Nagulat ako na hindi ko na nga siya kinakausap, pinagdududahan pa ako. My Gasssssss!!! Pero mas lalong tumalon ang puso ko ng lumapit sila sa source ko at ngiting-ngiti. My gasssssss!!!!

Ang ganda ganda mo kahapon... Kahapon lang kita nakitang hindi kilos tomboy, babaeng babae ka kahapon. Bakit kaya???

a. Feeling mo dalaga ka na dahil may nagkakacrush sa iyo?
b. May meeting kayo sa opisina kaya ka pormal pormalan?
c. Feeling mo natotomboyan ang mga tao sa iyo kaya ka nabebetan ng mga tomboy kaya ka nagpakababae?
d. Trip mo lang akong akitin??? Yikes!!!

Pero... Sakang ka pala! Haha! O hirap na hirap ka lang kaladkadin ang sandals mo dahil sanay kang naka-rubber shoes. Pero swear! Ang ganda mo kahapon. Pag lumilingon ako, tagusan, diretso sa iyo, parang walang dinadaan na mga tao. natomboy ako sa iyo kahapon! My gasssss!!!

Akala mo ba nagkataon lang na nagkasabay tayo sa hagdanan kagabi? Sinadya ko kaya yun. Inabangan kita sa pintuan! At akala mo ba na bigla ko na lang naalala na may kukunin pa tayong pina-photocopy? Sinadya ko kaya din yun! Para hindi ka umuwi ng maaga at dumaan pa tayo kila Ate Agnes!

Nagulat ka ba dun sa bata? Nanlaki mga mata mo eh! Ngayon alam mo ng tomboy kaming lahat. Pati yung source ko! Di porke't may boypren yun di na siya patola noh! Hahaha! Pero muntik na akong mahulog sa kinatatayuan ko nung lumingon ka sa akin at tumawa! Haaayyy... Natatawa ka sa mga hirit ko, therefore... Mas corny ka sa akin! Haha!

Ang saya-saya ko! Alas kwatro ng hapon pa lang inaabangan ko na ang pagdating mo. Gustong-gusto ko ng lumabas sa office ni dean dahil baka wala kang kasama o datnan sa room pag dating mo. Haaayyy... Ang ganda mo! Natotomboy ako sa iyo!!!

Mamaya, matatanggap mo na ang unang sulat ko. Kakabahan nanaman ako, matatakot. Hindi muna kita iisipin ng matagal. Natatakot kasi akong umuwi na sugatan at duguan ang puso. Mayroon pa akong isang problema... Iglesia ka... Phew! Isa nanamang hadlang sa pag-ibig. =(

Posted at 10:37 am by 4sumrisons
Comment (1)  

Tuesday, August 09, 2005
=(


 


Ayokong malaman na palpak lahat ng pag-aaral na ginawa ko sa iyo. Mahigit dalawang buwan na kitang inoobserbahan at pinag-aaralan, hindi ako maaaring magkamali. PATOLA KA!!!

Pero bakit kagabi, ang reply mo sa source ko ay parang di ka interesadong malaman kung sino yung taong yun? Mabuti na lang at hindi ko pinasabi na ako yun, kung hindi semplang ako. Hindi pa man kita inuumpisahang diskartehan, basted na!

Pero bakit ganun ka nung Sabado? Ayon sa aking source, excited ka na daw sa kakahintay sa akin. Pasado alas dos pa lang ay hinihintay mo na ako, gayong ang sabi ko sa iyo ay alas tres o alas kwatro pa ako darating. Bakit ngiting-ngiti ka daw at hintay ka ng hintay sa text ko? At bakit nung ipinaabot ko na lang ang cap ko ay nalungkot ka daw?

Bakit kahapon ang ingay-ingay mo nanaman? Lumapit pa kayo sa amin para magpasalamat pero nang-inis ka pa, sabi mo nakalimutan mong magpasalamat. Kainis ka!

Salamat nga din pala sa binigay mong chokee-chokee, naalala ko tuloy nung high school ako. At totoo ang sinabi ko, kinder pa lang ako noong nagkaroon ng Shaider. Palibhasa matatanda na kayo! Hehe!

Alam mo bang gumuho lahat ng plano ko kagabi, ng para mo na ding sinabi na hindi ka interesado? Nalungkot ako. Ayokong maniwala na gusto mong palabasin na straight ka, gayong sumisingaw ka na, amoy na amoy na kita! Nahihiya ka bang aminin sa source ko na patola ka?

Gayunpaman, ayokong tumigil, hindi ako titigil. Mas maganda pa nito, kailangan na kitang pansinin palagi ngayon para hindi mo maisip na ako yung may crush sa iyo. Mas maganda na ngayon, dahil palagi na kitang kakausapin, aasarin at kunyari... Ako ang tulay! Hahaha!


Posted at 09:55 am by 4sumrisons
Comments (3)  

Wednesday, August 03, 2005
=)

 



I still wonder what life would be like if I had the courage to tell her...

Will I ever say this line to myself, say two years from now?

I wish I won't. It's too early and too eroneous to predict things that may happen. It's too early to think that I may regret not telling her that I like her. It's not right to think of all the "what ifs" especially when you, yourself, don't know what you're feeling.

I don't know her that well. What I admire in her are just the things that I can see through observations. I could be wrong, I might be liking someone too ideal and not what she really is.

Just what I have said... It's too early to do stupid things. We still have almost two years left to share. haha! But whatever happens, this I promise to myself, never will I utter those words.

Posted at 12:04 pm by 4sumrisons
Comment (1)  

Previous Page Next Page
AKO

bangag-palakanta-palatawa-may pagkamaniac(slight...)-mabait 'pag tulog-renewed (dahil sa kanya)-tulala sa isang tabi-torpe-nanginginignginig-tomboy-iskolar ni ina't ama-manhid-adik(sa kanya)- inlababo kay ate at may pa-ate-ate pang nalalaman!

SIYA

mabait na bata, matanda, anak kaibigan at ate kunwari-cute-maliit-haba hair (puro patay sabi niya!)-sweet-liit kamay-tawa ng tawa-may kiliti sa tenga-on diet palagi sa rice-mahiligsa hayop-mahilig sa sweets-favorite niya ang snickers-corny-favorite ang green-di mahilig sa gulay-straight(daw!)-masarap ka holding hands, katitigan at kasama- mahal ko!!!

   

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30




mga napadaan dahil walang magawa



If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed