|
Parang mahirap isipin, nakakatakot. Ano kayang gagawin ko kapag sa susunod na semester ay hindi na tayo magkasama? At ang masama, baka hindi na tayo maging magkagrupo. Paano na?! Isipin ko pa lang na mangyayari yun, nalulungkot na ako. Paano pa kaya kung mangyari na mismo? Wag naman sana... Masaya ako kapag magkasama tayo. Tawa lang ng tawa, kwentuhan tapos tatawa nanaman. Alam mo bang dadaanan sana kita ng cake sa chocolate kiss noong Friday? Kaso isip ako ng isip ng paraan kung anong idadahilan ko sa iyo kung bakit may dala akong cake? Noong Sabado naman, kung ano anong dahilan na ang naisip ko kay Ate Gen para lang makalibot pa sa Shang at makahanap ng pasalubong sa iyo, kasi natuwa ako sa binigay mo sa aking macaroons. Kung alam mo lang na parang naiinis na sa akin si Ate dahil bigla na lang akong nawawala sa paningin niya. Buti nagustuhan mo yung tinatawag mong "giant cookie." Noong Friday night, buti na lang hindi nakita ni Ma'am si Kuya Bullet at ako ang napili niyang sumama sa iyo. Nahihiya akong dumikit sa iyo, pero masyado kang touchy. Sabi mo ganun ka lang talaga sa lahat ng tao. Hay! Pero natuwa ako. May mga bagay na ginagawa ka, na kung tutuusin ay simple lang, pero iba ang dating sa akin. Kakaibang tuwa. Hindi pala tuwa. Saya! Sabi mo noong gabi, "ganito lang naman talaga ako sa lahat ng tao." Aray! Ibig bang sabihin nun friend lang ako sa iyo? Bakit ganun, sa tuwing tumitingin ako sa mukha mo, parang paganda ka ng paganda? Tinatamad na nga akong magsulat dito sa blog na ito. Nahihirapan na kasi ako dahil sa masyado akong masaya. Haha! Hindi ko alam kung anong isusulat ko dito. Wala ng kwenta mga pinagsasabi ko! |
| Leave a Comment: |